Wednesday, May 18, 2011

Jump on GMA with Cherrie Gil and Jean Garcia


"Cherie Gil at Jean Garcia sa sayawan magpapatalbugan
Tama ba ang nabalitaan naming magsasama sa dance serye ng GMA 7 na Jump ang magagaling na aktres na sina Cherie Gil at Jean Garcia? Nakuwento na ng una sa press na bumisita sa taping ng Magic Palayok na ang dance serye ang next project niya sa Kapuso Network, kaya mapapadali ang pagkuha niya ng dance lesson dahil may dance number siya rito.
May nagkuwento naman sa amin na kasama rin si Jean sa cast at nasabihan na rin ito bago pa magtapos ang Alakdana. Flattered daw ang aktres nang nalamang request ni Annete Gozon-Abrogar na isama siya sa cast.
Sa nababasa naming tweets ni mark herras, sa June na sisimulan ang taping ng dance serye na wala pang balita kung sino ang director. Kapareha ni Mark si Kris Bernal at join din si Rocco Nacino at pasok na rin si Sarah Lahbati."

text and images:gmanetworkfanpage 

No comments:

Post a Comment