Sunday, May 22, 2011

TJ Marquez new hearthrob on GMA 7

TJ Marquez is the new hearthrob on GMA Network. Get to know him better.

"Sigurado akong hindi n’yo pa kilala si Teejay Marquez. The name may not ring a bell except that his surname is common in showbiz. Baka isipin n’yo pang mula siya sa angkang sinimulang ipakilala ni Direk Artemio Marquez at ipinagpatuloy hanggang ngayon ng anak niyang si Joey at apong sina Jeremy at Winwyn Marquez (Official Fan page).
Hindi lang kayo aware pero kasama siya sa Tween Hearts at Blusang Itim. Kasali siya sa mga programang ito para sa mga bagets ng GMA 7. Isa rin siya sa mga bagets na co-host ni German Moreno sa Walang Tulugan with Master Showman.
May nauna nang sumikat sa kanya tulad nina Jake Vargas, isa ring Tween Heart member, Hideaki Torio ng XLR8, at Mico Aytona na katatapos lamang mapanood sa Dwarfina. Pa ngarap ni Teejay na sumikat ding katulad nila at sa itinatakbo ng kanyang karera ngayon, hindi ito malayong mangyari.

Itinuturing na isa sa pinakabagong heartthrob sa Kapuso Network, bukod sa pag-arte ay isa pa ring talent ng baguhang ito ang pagsasayaw. Hinangaan ang talent niyang ito sa kanyang first live public appearance sa Area 05 Supper Club & Concert Hall na matatagpuan sa Morato, Quezon City kamakailan. Para sa isang baguhan, SRO ang lugar, napuno ng kanyang dumaraming fans, family members, friends, and fellow artists.
Mabilis ang paglobo ng kanyang fan base. Mahigit 15 thousand na ang kanyang kaibigan sa Facebook. Meron din siyang Twitter account na sinusubaybayan ng kanyang mga Teejaynatics, isang fan group niya na palihim na binuo nila at sinabi lamang sa kanya nang buo na ito. Ito ang mahigpit na sumusubaybay sa kanyang showbiz activities at sumusuporta sa lahat niyang proyekto."






image and text source:gmanetworkfanpage 

No comments:

Post a Comment